Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Sabaw

leave a comment »

Kapag nagawa mo nang magbago para sa mabuti, lahat ng pagbabago iyon ay babaguhin ka ulit.

Ilang buwan na ang nakalipas noong sinabi ko sa sarili ko na aayusin ko na ang mga bagay-bagay sa buhay ko. Ngayon nandito ako sa kuwarto ko nakaupo at nagba-blog at parang tae na naulanan at dinaanan ng dump truck. Hindi ko maisip kung bakit sa kalagitnaan ng pilit kong inaayos na buhay ay biglang may manggugulo. Hindi ko din alam kung bakit hinayaan ko ang gulo na ito na pumasok sa utak ko at manipulahin ako. Ayun. Tae na naman.

Hindi pa sapat ang mga nangyari sa akin para magkaroon ako ng isang karanasan na may natutunan ako. Sa ganitong kalagayan ko mukhang wala akong natutunan at wala akong natututunan. Sabaw talaga. Dahil sa mga nangyayari ngayon, sobrang lungkot ko na naman. Hindi ko alam kung saan ako makakakita ng kaligayahan. Hindi ko alam kung saan ako makakakita ng magsasabi sa akin na umayos na ako; yung tao na talagang magpapaayos sa akin. Sobrang hindi ko na alam.

Ganoon lang kadali ang panahon, ganoon lang din kadali magbago ang isip ko. Isang beses desidido ako, matapos ng ilang buwan nagbago na ang pangarap ko. Ang hirap na. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko ngayon.

Sabaw.

Written by weelan

October 13, 2009 at 5:00 pm

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: