Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Spoon and Sfork

leave a comment »

*Tagal nang sulat ‘to gusto ko lang i-repost. Mukha kasing masaya eh. Haha! Galing sa friendster blog ng Komite.*

Dear Diary,

Wala lang. Namamahagi lang ng mga katangahan sa buhay ng kung sinu-sinong mga tao.

1. Kahit malamig sa labas ay pagpapawisan ka pa rin kapag nakipaghabulan ka sa isang baliw na bakla na mas malalaki pa ang muscles kaysa sa muscles mo.

2. Nakakapaso ang bagong paper cup ng Lucky Me Supreme noodles, kaya mag-ingat sa paghawak.

3. Magmumukha kang tanga sa kakaantay ng text ng isang tao na sobra kang nag-aalala. Dahil doon magtatapon ka ng paper cup ng Lucky Me Supreme noodles sa kalsada.

4. Aries na babae – may isang tao na nag-aalala ng sobra para sa’yo dahil hindi ka na nag-text sa kaniya mula noong 1.45 pm ng Feb 8. Text mo na, baka mamaya  subukan na naman nun magpakamatay.

5. Umuulan, kaya hindi ka sumakay ng LRT papunta sa Gilmore. Tapos pagdating mo dun, wala din palang stock ng PC2700 DDR1 RAM card. Sabaw.

6. Kapag tumapat ka sa electric fan pagkatapos maligo ng madaling araw, mararamdaman mo ang Alaska.

7. Napaghahalataan kung sino yung hindi pumapasok sa school dahil yung taong yun lang ang nag-uupdate ng blog.

8. Hindi sinisinghot ang rugby. Hindi rin ginagawang breath freshener ang Axe Vice.

9. Ginagamit ang correction fluid para pagtakpan ang kamalian, hindi ito nakakabura.

10. Bumili ka ng original DVD ng The Exorcism of Emily Rose para lang tignan kung kasama talaga si Ariel Miguel Regullano sa six devils na nakay Emily. Hindi ka nakuntento, tinignan mo sa deleted scenes. *Sorry Ariel pero ginawa ko talaga ‘to. hehe*

11. Mag-ingat ka kay Ariel habang naglalaro kayo ng DotA. Lintik! Ang lakas. Aminin sa sarili na kaya mo siya natalo ay dahil naglaro kayo ng Ash Wednesday at mahina ang mga kapangyarihan ng mga dia, um, niya.

12. Hindi sinusubo ng buo ang shawarma dahil may kasamang papel.

Until next time,
Oui.
Pebnayn.3.21am

Written by weelan

November 13, 2009 at 3:57 am

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: