Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Tinatamad ako…

with 2 comments

Umaga. May mga pumasok lang na random thoughts sa utak ko pagka-gising ko at naisipan ko lang na kailangan ko silang i-share sa mga imaginary readers ko. Game? Game.

Una. Kapag nasasabaw tayo ang dami nating naiisip na mga problema. As in. Mga problemang tulad ng: 1. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang bigat na; 2. Sana pwede na lang na ganun kadali ang lahat; 3. Mas maayos kung magiging normal na ang sitwasyon; o 4. Paano ba titigilan to? Mga problemang hindi mo naman dapat pinoproblema. Bakit kasi ang lahat ng iyan ay nag-ugat sa isa at kung sosolusyunan mo ang isang kaisipan/problema/kagustuhan na iyon ay maaayos mo ang lahat. Gusto mong maging masaya; yun lang, at mahirap mang gawin, kailangan mong pakawalan ang bagay na nagpapalungkot sa’yo kahit na ito rin ang nagbibigay ng kasiyahan mo.

Pangalawa. May mga bagay na dapat nating hayaan na lang; hindi dapat pakialaman, hindi dapat isipin. Bakit nga ba minsan kahit hindi na natin problema ay pinoproblema pa rin natin? Olats ako sa ganitong aspeto ng buhay kasi madalas akong pinagkukuwentuhan ng mga tao. At kadalasan ang mga problema nila ay hindi ko nailalabas sa sistema ko. Naiiwan lang sila dito. Wala akong napagsasabihan, wala akong dapat pagsabihan. Naisip ko lang na minsan naiipit na ako pero ayos lang dahil hindi naman ako kayang durugin ng mga problema ng ibang tao, sa taba ko ba namang ito eh. Hehe. Kailangan ko yata ng recorder para sakaling kailangan kong magkuwento eh yun na lang ang kakausapin ko. Ayun. Naisip ko lang na kahit napakadali sa akin minsan na hindi makialam, dumadating pa rin talaga ako sa point na dapat akong, uhh, makialam. Sabaw.

Pangatlo. Kapag, uhh, may nasagot na prayer ang isang kaibigan natin na tayo ang nagsabi na ipagdasal niya, diba dapat nating ikatuwa yun? Wala lang. Hindi ko lang maisip kung bakit nalulungkot ang isang tao para sa akin, eh siya namang nagsabi na kapag pinagdasal ko ang isang specific na bagay may darating na isang specific na sagot. Basta. Medyo magulo lang talaga ‘tong kaisipan na ‘to.

Pang-apat. Ang problema sa buhay ay hindi parang problema sa math na kailangan pang hanapan ng solusyon. Mas madalas nasa sarili lang din natin ang sagot. Yeah, natutunan ko ‘to sa psych. Kaya minsan naiisip ko na nakakaurat akong pagsabihan ng problema dahil wala naman akong binibigay na sagot. Pero tama naman di ba? Kailangan ng isang tao na malaman na ang sagot na hinahanap niya ay nasa kanya lang din naman. Gaya nga ng sinabi ni Taylor Swift, “What you’re looking for has been here the whole time.” Anyway, sana karamihan ng taong pinagsasabihan ng problema ay ganito at hindi nagpapakabibong magbigay ng solusyon. Olats pag ganun. Pano kung mali yung sagot? Kung sabagay, pwede namang manisi. Hehe.

Panlima. Bakit kaya minsan, kapag tinaboy at sinalbahe natin ang isang taong dati nating tinataboy at sinasalbahe ay nalulungkot tayo? Dahil ba nasaktan tayo? O dahil nare-realize natin yung sakit na naidulot natin sa kanya? Well, either way nakakalungkot nga naman yun. Hehe. Basta. May kakilala kasi akong ganun ngayon eh. As in ngayong umaga lang. Naisip ko tuloy na half-a-pretty-boy lang siya kasi kinulang ang endurance niya sa pagtataboy. Hehe.

Pang-anim. Naisip ko ‘tong thought na ‘to kagabi habang kausap yung babaeng may gusto sa pinsan ko, err, sila na nga ata eh. Ewan. Hindi ko alam. Basta ganito yung sinabi ko, “Kapag ikaw na, ikaw na lang. Hindi mo na dapat tinatanong kung sino pang mga crush niya.” May point naman ako di ba? Hehe. Tapos naisip ko naman ‘tong thought na ‘to sa Ilocos nung isang linggo habang kausap yung isang kaibigan ko na nao-olatsan sa boyfriend niya, err, ex ata. Ewan. Uhh, ito yung sinabi ko, “Kapag sinabi niyang kayo, e di kayo. Dapat na lang niyang panindigan yun. Mahal mo pa naman siya di ba? Siya lang talaga yung nagpapatalo sa sarili niya.” Wala lang.

Pampito. Tama ba? O dapat ata pang-pito. Anyway, hindi ko alam kung anong iniisip ko kaya lumabas ang mga bagay na ito. Malamang ito yung mga bagay na nasa mas malaki at nakatagong bahagi ng utak ko. So yeah, bago ako magsabi ng psychology stuff, titigilan ko na ‘to. Pero parang hindi ko kayang tumigil. Hehe. Actually ayaw ko nang tigilan. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon para gawin ‘to forever ay gagawin ko. Sana ito na talaga yun, sana hindi na matapos. Isang pag-ibig na wagas at walang hangganan. Sabaw. Biglang kumeso ampft. Anyway, hanggang dito na lang talaga muna. Salamat sa ilang minutong sinayang mo, oo ikaw, para pulutin at kahit paano ay pagdikit-dikitin ang nakakalat kong utak. God bless you.

Written by weelan

June 21, 2010 at 11:38 am

2 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. sa pang apat : walang tama o maling sagot, nasa tao na yun kung ano susundin niya at syempre alam naman nya consequence, may choice siya.

    sunnystarfish

    June 21, 2010 at 11:58 am

  2. Kaya nga. Olats lang talaga kapag bibo mode sa pagbibigay ng solusyon yung taong pinagsasabihan ng problema. Hehe.

    weelan

    June 21, 2010 at 12:01 pm


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: