Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

7Eleven

with 2 comments

Mula sa Pedro Gil-Taft ay may, uhh, anim (?) na pinakamalapit na 7Eleven. Ang tanong, “Bakit kailangan pang magtayo ng 7Eleven kung saan-saan at hindi na lang gumawa ng isang malaking 7Eleven?” Tipong 7Eleven Mall. Hehe.

Naalala kong nagtanong yung guro namin nung high school sa Ekonomiks. Hindi ko na alam kung ano yung eksaktong tanong pero parang bakit daw minsan ay pinapayagan magkaroon ng dalawang magkaparehong food chain sa isang mall, na minsan ay halos magkalapit pa. Parang ganun. Ang naaalala ko lang ay ako ang pinasagot niya. Sinabi kong, “Para mas kumita sila, sir.” Hindi ko naman alam na may tanong pa siyang, “Hindi ba magiging competition yun?” At hindi ko rin naman alam na may maisasagot pa akong, “Hindi naman magkakaroon ng competition, sir. Dahil siguro, kapag naglagay ng dalawang magkaparehas ng food chain sa isang mall ibig-sabihin eh malakas ang bentahan nila. Parehas silang kikita dahil gusto ng tao yung franchise na yun.” Ayun. Wala lang. Nakalimutan ko na yung mga sumunod na pangyayari. Hindi ko rin alam kung anong topic namin nun. Nasaan na kaya yung teacher ko yun? Mahanap nga siya sa Facebook mamaya.

Anyway, tungkol sa napakaraming 7Eleven sa may Pedro Gil-Taft at bakit hindi na lang ito pagsama-samahin para maging mall. Kasi ang 7Eleven ay isang convenience store – papasok ka sa loob, lalakad ng ilag steps para sa item mo, lalakad ng ilang steps papuntang counter, lalabas. Kapag ginawa siyang mall eh, well, mawawala yung convenience. Hehe. Basta parang ganun.

Wala lang. Random. Salamat Reinier Abdon dahil nagtanong ka kung bakit hindi na lang ginawang mall ang mga 7Eleven sa Pedro Gil. Hehe. Kung sabagay cool nga naman yun. Unang 7Eleven mall. Mawawala nga lang yung essence. Hehe.

Written by weelan

June 25, 2010 at 1:02 pm

Posted in Uncategorized

Tagged with ,

2 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. ayos yun, basta 24 hours din…astig 24/7 na mall hehe

    sunnystarfish

    June 26, 2010 at 7:56 am

    • Malamang 24hours din open yun. Hehe.

      weelan

      June 26, 2010 at 11:28 am


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: