Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Talkin’ to Myself

leave a comment »

Oh, imaginary readers. Gaano katagal na ba mula noong huli akong nagsulat? Uhh, hindi ko alam, pero alam kong higit pa ito sa isang milyong segundo. Olats. Anyway, marami naman talaga akong gustong isulat. Nagkataon lang na hindi ko alam kung paano sila isusulat. Labo ba? Uhm, magsusulat na lang siguro ako ng ilang paragraphs na may kinalaman sa mga bagay na gusto kong isulat noong mga nakaraang araw: mga bagay na walang sense; mga bagay na walang halaga sa karamihan; mga bagay na makikitang nakasulat sa ibabaw ng mesa na pinapatungan ng laptop. Yes. Yes. Weak.

Anong Itsura Ng Kamatayan?

Isang malaking piraso ng bakal na may gulong. Dumadagsa patungo sa’yo, ang huling liwanag na papasok sa mga mata mo. Mga maliliit na hibla na hinabi para maging matibay na lubid. Puputulin ang hininga, ihihiwalay ang leeg sa katawan. Billboard. Kumot. Blade. Lason. Isang buhay na wala ka.

Nawawalang Mga Larawan.

Sa isang pangyayaring hindi ko maipaliwanag ay nawawalan na ako ng galing sa pagkuha ng mga litrato. Kung sabagay, hindi naman talaga ako magaling mula simula. Nagkataon lang na magaling lang talaga akong maka-chamba ng shots. Hehe. Ilang linggo ko nang hindi nahahawakan si Katy, yung battery niya hindi pa rin nade-drain mula noong chinarge ko ito nung isang linggo. Sobrang wala na talaga akong alam. Hehe. Kahit thirds hindi ko na magawa. Siguro kailangan kong maglakad ng malupit: yung mga lakarang ginagawa ko dati. Basta. Parang ganun.

Higit Pa Sa Kaibigan. Daig Pa Ang Kapatid.

Kapag may nagawa tayong masamang bagay, natural lang na magalit sa atin yung taong ginawan natin nito. Uhh, nakakatuwa lang dahil ang taong tinutukoy ko ay hindi nagalit sa akin. Siguro dahil mas parang naging tulong para sa kanya yung nagawa ko. Wala lang. Napatunayan ko lang na hindi kami normal na magkaibigan. Nalaman ko din na ang samahan namin ay hindi matitinag. Yeah. Kilala mo kung sino ka, alam kong masakit pero salamat dahil hindi ka naging bitter. Super duper thank you.🙂 Uhh, huwag kang mag-alala gagawin ko ang pinangako ko sa abot ng aking makakaya. Iingatan ko siya. Naiiyak ako. Syet.

I’m Your Go-To Guy.

Kagabi (August 3), tumawag sa akin si Ariel at nagpapasama siya sa akin sa ospital kasi magpapa-check up siya. Sabi ko sasamahan ko siya. Uhh, may tinext ako at sinabi kong sasamahan ko si Ariel, sabi niya ayos lang daw pero tinanong niya kung nasaan yung dapat na kasama ni Ariel sa mga ganitong pagkakataon. Sabi ko hindi ko alam at ayos lang naman dahil sanay na akong ako yung madalas na tinatakbuhan ng mga tao kapag may kailangan sila. Yeah. Hehe. Hindi naman sa nagba-brag pero minsan napaptunayan ko yun. Feeling ko nga nasabi ko na sa isa sa mga posts ko yun eh pero hindi lang ganito yung pagkakasabi. Hehe. Basta ayun nga. I’m the usual go-to person, kahit na minsan kapag ako naman yung nangangailangan ng kausap ay wala akong mapuntahan. Uhh, siguro dahil hindi lang ako yung “Imma-go-to-you” person. Pinipilit kong ayusin ang mga bagay ng mag-isa at kadalasan ay olats. Or siguro naghihintay ako na ako yung lalapitan. Basta. Hehe. Hindi naman iyon ang point. Ang sinasabi ko lang ay ako ang go-to guy kadalasan.

Masakit Sa Tenga.

May mga bagay na akala natin ay ayos lang na marinig natin, mga specific na bagay na akala natin ay hindi tayo tatablan kahit gaano man kasakit ang tama nito sa atin dati. PERO, sa ilang mga pagkakataon, nangyayari ang hindi natin inaasahan. Tipong kapag narinig mong sinabi sa iyo ‘yon ay talagang matitigilan ka, hihinga ng malalim at mararamdaman mong tumutulo na ang luha mo. Yeah. Sabaw. Tapos babanggitin mo sa utak mo, “May tama pa rin pala.”

Nangangating Dila.

Alam niyo yung feeling na may mga bagay kayong nasasabi sa ibang tao pero hindi niyo kayang sabihin ang mga bagay na iyon sa taong involoved? Or kung nasasabi niyo man ay nagse-censor kayo ng mga lumalabas sa bibig niyo? Uhh, nagegets niyo ba? Basta ganun. Hehe. Minsan kasi akala natin mas maiintindihan ng ibang tao ang mga kailangan nating sabihin kaysa dun sa taong dapat nating pinagsasabihan. Mas nagiging objective kasi kapag iba yung makikinig. Parang ganun. Ayun. Saka, uhm, nakakaiyak pala yung pakiramdam na may gusto kang sabihin, err, may sinasabi ka pero hindi mo naman maipaintindi. Tapos kapag umiiyak ka na eh maghahanap ka ng yosi sa isang kaibigan, kukuha siya ng yosi, uupo kayo at mag-uusap, iiyak ka lalo, malapit na rin siyang maiyak, umiiyak ka pa rin, papatugtugin niya yung paborito niyong kanta, tapos pag-uusapan niyo, tapos magiging maayos ka. Basta medyo magulo pero alam ko may isa o dalawang makakaintindi nito. Teka nga muna, ano ngang pelikula ko nakita itong ganitong eksena? Hmm.

+1.

Natutuwa lang ako sa nakita ko kanina. Sana ito na talaga iyon, kasi kung hindi ito yun eh malamang may isa na namang taong magagalit sa akin. Ang yabang ko ba? Pero kasi totoo naman eh, madami nang nagalit sa akin dahil sa mga ganyang eksena. Hehe. Ingatan mo ‘yan. Malay mo siya na yung hinihintay mo. Naks. Bagay kayo. I-apir mo na lang ako sa kanya. Olrayt.

Ikaw.

Kahit na inaway mo ako sa huli mong entry eh hindi ako gaganti sa’yo. Uhh, hindi mapapantayan ng random rants mo yung kabaliwan ko kaya hindi tayo magiging quits ever. Hehe. Or pwede ko ring sabihin na yung kabaliwan ko ay kaya kong solusyunan mag-isa at yung mga problema mo ay kailangan pa ako para mabigyan ng solusyon. Nyaha! Teka, bakit para akong nang-aaway? Hehe. Anyway, uhh, yeah. Tungkol sa power hugs at pagiging amoy mandirigma, uhh, hmm, tse ka! Hehe. AT, alam ko namang alam mo na napakahaba ng pasensya ko. Kaya kahit gaano katagal man ang sinasabi mong, “Matagal pa tayong magkakasama.” eh hindi ‘to mauubos. Bilhan mo nga pala ako ng Pacencia, namiss kong kumain nun eh. Tapos ise-share ko sa’yo sabay kapag malapit mo nang maubos dahil matakaw ka eh sisigawan kita ng, “Inuubos mo Pacencia ko!” Haha! Yeah. Lablab din ng madami. ♥

Dito natatapos ang blog entry na ito. God bless y’all imaginary readers! XoxOxxOoXxxOOooOxXO

Written by weelan

August 4, 2010 at 3:30 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: