Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

asdfjkl;

with 2 comments

*Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay…*

Yeah. Umuulan na naman. Palagi na lang. Ito yung mga panahon na dapat ay natutulog na ako dahil may gagawin ako bukas ng maaga pero dahil nasasabaw ako sa hindi maipaliwanag na kadahilanan eh nagsusulat na naman ako.

*Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay…*

Actually, wala naman akong ginagawa. Bukod sa pagsusulat ay wala na. Sana may ginagawa din akong iba bukod dito pero wala na. Gusto kong makipag-inuman sa mga tambay sa kanto; gusto kong maligo sa ulan; gusto kong magtimpla ng kape sa tequila. Kahit ano lang basta may magawa, para lang mawala ang kasabawang hindi ko alam kung saan nagmula.

*Laklak ng laklak ng beer magdamagan, may kahirapan at di maiwasan…*

Sana nga may beer na malalaklak. Kahit tatlong litrong Red Horse lang eh papalagan ko na. Hai.

*Mabuti pa kayang matulog ka na lang at baka sumakit ang tiyan…*

Sana magkaroon ako ng kapayapaan kahit saglit. Tipong sobrang saglit lang para makatulog ako. Nakakapagod sa isang banda ang gumawa ng wala. Yeah, super diffused ng utak ko. Ano bang dapat kong isipin? May iniisip nga ba ako? Gusto kong mawala kahit saglit – dalawang linggo, tatlong araw, pitong oras at limampung minuto. Ganun kasaglit. Kung bakit ganoon, hindi ko alam? Naisip ko lang.

*Ang buhay ng tamad walang hinaharap ni konting sarap man lang…*

Sana may 18″ Manhattan Meatlovers Pizza mula sa Yellow Cab na babagsak sa tabi ko. Kahit kailangan kong butasin yung bubong namin para mangyari yun eh gagawin ko. Basta mangyari lang iyon. Olats. O kaya tipong pagbukas ko ng drawer  ng side table na kinapapatungan ng laptop ko ay may macaroni salad na galing sa KFC. Olats. Binuksan ko nga at umasang may makikita akong salad kaso wala.

Natulog ako kagabi ng may lagnat. Nagising ako kaninang umaga na nilalagnat pa rin. Nawala yung lagnat ko nung tangahli. Inutusan ako ng nanay ko na bayaran ang kuryente bandang 3pm, umalis ako sa bahay ng 4pm. Nakapagbayad ako ng mga 4.30pm. Mula sa, uhh, ano bang tawag dun? Branch ng Meralco sa may, uhh, Malugay (?) ay naisipan kong tumakbo hanggang bahay. Ayun. Kinaya ko hanggang Osmeña at nilakad na ang natitirang kalsada hanggang sa bahay. Sumakit ulo ko, medyo bumalik lagnat ko. Naglaro. Nanood ng Wimpy Kid. Kumain. Nagba-blog ngayon at masakit pa rin ang ulo. Ngayon iniisip ko kung sumasakit ba ang ulo ko dahil sa pagod o sa sobrang pagtitig sa monitor. Hindi kaya hina-high blood ako? Sabi nila yung ulo daw parang tiyan, sumasakit pag walang laman. Olats.

Wala na akong masabi kundi puro karandoman, check mo yung aso niyo baka natatae yan. Totoo kayang pag lasing ang tao ay nakakalimot? Bakit yung utak ko ngayon ay naglilikot? Sabagay hindi naman ako lasing, teka nga makahanap ng iinumin. Sapat na ba yung tubig? Tubig na may vetsin kaya? E kung pumasok na lang kaya ako sa banga? Dahilan kung bakit ako nasasabaw hindi ko pa rin alam. Siguro nga kailangan ko rin ng mamam. Wala akong makausap, kompyuter lang ang kaharap. Mabuksan na nga lang ang gripo at sa drum ako’y magbababad. Tatlong salita para kay Louis, “Olats. Olats. Olats.” At kung madadagdagan ng lima pa, “Olats. Olats. Olats. Olats. Napaka-olats.” Pwede ko na ring gawing ALL CAPS dahil OLATS talaga! Hindi sapat ang isang exclamation point, pero sabagay wala din namang point. Saan nga ba papunta ang mga sinasabi ko? Siguro isusulat ko na lang sa itim na kuwaderno ‘to. Hanggang dito na lang siguro muna, dahil baka lalong humaba pa. Isang minuto ay kulang pa para sa paragraph na ‘to. Gusto ko nang makita ang lolo ko.

Ruma-rhyme? Wala na talaga akong matinong magawa. Wala na din akong matinong maisip. Sana kahit tatlong minuto tumahimik ang mundo.

Written by weelan

September 3, 2010 at 12:23 am

Posted in Randomness

Tagged with , ,

2 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. umeemo? hehe

    sunnystarfish

    September 9, 2010 at 1:17 pm

  2. Medyo. Hehe.

    weelan

    September 10, 2010 at 1:36 am


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: