Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Minsan kailangan nang gumising pero tulog pa rin ako…

leave a comment »

Nung Sabado gabi, habang naglalakad pauwi, napansin kong napakaraming ipis sa kalsada at naalala ko yung commercial ng Baygon na may afternoon delight na background music. Dahil dito, nasabi ko sa sarili ko, “Kapag nakakita ako ng ipis na nagme-mate ay mafu-fulfill ako.” Ayun. Ilang steps pagkatapos kong maisip ang mga salitang iyon ay may nakita akong dalawang ipis na nag-iikutan at na-fulfill ako. Hehe.

Nung Sunday naman ng gabi, habang hinihintay namin ni Mikel na mag-buff ang isang video sa YouTube ay bigla niyang ginalaw yung arrow keys ng laptop sabay sabing, “Puwede kang maglaro ng snake dito eh.” Sobra akong namangha nung biglang kumilos yung umiikot-ikot na chorva dun sa player at nako-control nga niya ito. Bigla siyang na-dead tapos nagkatinginan kami. Nalaman ko lang na nagulat din pala siya dahil noon lang din niya sinubukang gawin iyon. So yeah, pwede kang maglaro para hindi ka ma-bore kakahintay matapos mag-buff ng video na bina-buff mo.

Kagabi, Monday, naglalakad kami ni Melissa sa may Glorietta 3 at may nakita akong lalaking pogi na may astig na dreads. Tinignan kong mabuti at sinabi kong, “Uy, si ano, yung sa Survivor!” Napatingin sa akin yung kasama niyang babae at napangiti. “Si Kiko!” Sinabi ko ng medyo malakas. Yun. Medyo suplado pala siya sa personal; sabagay, hindi naman ako dapat umasa na papansinin niya ako. Puwera na lang siguro kung kamukha at kasing-katawan ko si Gerard Butler at naglalakad ako doon ng walang t-shirt. Hehe.

So yeah, after having gotten some pop-ups out of the way, sasabihin ko na kung bakit ako gumawa ng bagong entry. Bakit nga ba? Hehe. Hinihintay ko kasi mag-upload yung bagong cover na ginawa namin ni Mikel. Hindi ko muna maa-upload yung My Stupid Mouth cover dahil pinilit ni Mikel na dapat ngayong Tuesday na ma-upload yung ginawan namin ng cover. Anong kanta? Secret. Hehe. Hanapin niyo na lang dito – http://www.youtube.com/user/tabantao.

Ano pa ba? Uhh, naisip ko lang kanina, hindi lahat ng ipis na patay ay inapakan. Labo. Hehe. Bakit ko nasabi? Kasi hindi naman lahat ng tao ay gustong apakan ang mga ipis; minsan pinapalo nila ng diyaryo, binabato ng libro, pinagugulungan ng bowling ball, sinasagasaan ng truck at kung anu-ano pa. Hindi palaging inaapakan. So yeah. Anong kinalaman nito sa buhay? Ewan. Hehe. Parang, uhh, hindi dapat tayo agad magja-judge or gagawa ng conclusion sa mga bagay-bagay. Tipong nakita mo yung current boyfriend mo na kasama yung former girlfriend niya sa kwarto na silang dalawa lang at nakahubad sila tapos pawisan; hindi mo dapat agad isipin na nag-sex sila, malay mo naglaba lang. Hehe. Labo. O kaya kapag sinabi sa’yo ng isang tao ang mga salitang, “Mahal kita.” ay hindi ibig-sabihin noon na mahal ka niya talaga. Malay mo para pala din pala siyang yung pinsan ko na si Jethro na noong 10 years old siya ay sinabihan yung crush niya ng, “I love you…joke only.”

Hindi ko naman sinasabing hindi dapat sobrang magtiwala sa isang tao, sinasabi ko lang na dapat ay pinipili natin kung sino ang mga talagang dapat nating pagkatiwalaan; lalo na ng mga bagay na may kinalaman sa buhay at pag-ibig. Dapat maramdaman mo kung ginagawa ka nang tanga, kung sinasabi mong nakakabulag ang pag-ibig at nabulag ka…bulag ka lang, hindi manhid. Yun. Saka dapat din, kung sakali man na nagkaroon tayo ng pagkakamali na may kinalaman sa trust issues ay dapat matuto tayo mula sa mga pagkakamaling ito; para handa tayo sakaling magkaroon ng pagkakataon na maulit ito. Kung sabagay, kapag naulit eh ibig-sabihin hindi tayo natutuo. Basta. Hehe.

So yun, hanggang dito na lang muna siguro. Ilang minuto na lang at matatapos nang mag-upload yung video. God bless y’all!🙂

Written by weelan

October 5, 2010 at 1:43 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: