Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Sunday Morning.

leave a comment »

Habang nasa kalagitnaan ng kantang “Meant to Live” ng Switchfoot at pag-inom ko ng gatas ay may naisip akong isang bagay na madalas kong naiisip. Nasabi ko na rin ata ‘to ng maraming beses, hindi ko nga lang maalala kung saan at kung kanino – Habang buhay kong pagsisisihan kung bakit hindi ako tumuloy na mag-aral sa UST. Hindi ko alam kung bakit. Basta, ang saya lang kasi kapag tinanong ka ng, “Saan ka nag-college?” Tapos sasagot ka ng, “Sa University of Sto. Tomas.”

Anyway, having gotten the morning ka-olatsan out of the way, nais ko lang iparating sa inyo, mga imaginary readers ko, na masarap uminom ng gatas. Hehe. Hindi ko rin maisip kung anong trip ko ngayong umaga at napatimpla ako ng gatas; ang nakakapagtaka doon ay nasundan pa ng pangalawang baso. Hehe.

Uhh, ano pa ba? Wala pang bagyo, hindi pa dumarating. Sana hindi na siya dumating. Sana maisip niyang masama ang panahon at hindi na siya tutuloy. Haha. Bukas pa daw yung landfall, tama ba? Nalalabuan ako sa PAG-ASA actually. Pero ayun nga, kung sakaling dumating na si Megi ay sana wala masyadong masalanta. Patuloy natin iyang ipag-pray.

Ayun. So yeah. Hehe. I should be preparing for church. First time na makikita ng mga taong simbahan ang bago kong hairstyle, ano kayang klaseng mga salita ang ibibitaw nila patungo sa akin? Malalaman ko pa lang mamaya. Hehe. Tapos, mamayang gabi, may dinner kami ng college friends ko at wala akong maiaambag kahit piso. Olats. Bakit ba kasi hindi ako nag-aral sa UST? Haha!

Isang bagay na na-realize ko ngayong umaga, well, matagal ko na ‘tong alam pero parang nag-flash lang siya ulit sa harapan ko – Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay naka-set na. Hindi pa tayo naipapanganak ay may plano na ang Diyos para sa atin. Kaya chill lang tayo; mabuhay ng maligaya; maging patient para mahintay na matapos ang astig na istorya na isinulat ng pinaka-astig nating Ama. Hanggang dito na lang muna. Hanggang sa muli! Have lots of fun today, imaginary readers! God bless y’all!

Written by weelan

October 17, 2010 at 8:08 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: