Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Sanity.

leave a comment »

Sobrang down ako nitong mga nakaraang araw. Halos wala akong ginagawa kundi matulog; nakakapagtakang puro tulog lang ang ginagawa ko dahil halos hindi na rin ako makatulog ng maayos. Kagabi hindi ko alam kung anong ginagawa ko nang nakita ko ang sarili kong may hawak na matibay na kumot at nagpaplanong wakasan ang lahat; natigilan ako dahil nasira yung pagsasabitan ko ng sarili ko. Sabaw.

Hindi ko alam kung anong katarantaduhan ang umiikot sa utak ko nitong mga nakaraang linggo pero yung nangyari kagabi na siguro yung pinakatarantado sa lahat ng katarantaduhang kaisipan. Pagkatapos na malaglag yung akala kong matibay na sampayan at pagkatapos kong ayusin ito para hindi ako tanungin ng nanay ko kung bakit ito nasira; naisip kong ang gago ko dahil umabot na ako doon. Maraming dahilan kung bakit gusto kong mamatay na pero walang sapat na dahilan kung bakit ko dapat wakasan ang buhay ko. Kagabi wala akong ibang iniisip, wala nga ata ako sa sarili eh, hindi ko din alam kung paano ako humantong doon. Kung ano man iyon, sobrang shitty lang siguro ng pananaw ko sa buhay.

Sa dulo, kahit anong nangyari papunta doon, babalik pa rin ako sa mga napag-aralan ko sa Psych – lahat ng nangyayari sa isang tao ay dahil sa sarili niya. Wala kang ibang puwedeng sisihin dahil palaging nasa iyo ang desisyon. May sense pa ba ang mga sinasabi ko? At kung may sense man eh, magkakadugtong pa ba sila? Anyway, kung hindi ako nag-Psych o kaya wala akong kahit anong idea sa mga theories ng kung sinu-sinong theorists eh malamang matagal na akong wala sa mundong ito. Siguro dapat kong sisihin ang Psych dahil ang dami kong nalalaman. Sabaw. So it’s either, “Salamat Psych.” Or, “Pakshet ka Psych, dahil sa’yo buhay pa rin ako.”

Napakarami nang nangyari, napakarami pa ring nangyayari, wala na akong naiintindihan at hindi ko na alam kung paano ko matutukoy ang ugat ng lahat. Shit. Kung tutuusin, malamang simple lang naman lahat. Hindi ko na alam.

Siguro mas mauuna pa akong mabaliw bago ako mamatay. Sabi ko kila mama na dalhin ako sa isang mental institution sa late May or early June. Basta ganun. Puwede ding mas maaga. Hindi ko na alam talaga. I’m losing grip of sanity. Parang may hawak akong tae na mas pumupuslit sa kamay ko kapag napapahigpit ang paghawak ko. Sa huli ang matitira lang ay kaunting marka at ang masangsang na amoy.

Shit.

Written by weelan

February 14, 2011 at 4:26 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: