Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Kapag tinamaan ka nga naman

leave a comment »

Malamig na umaga. As in tatlong-kumot-at-wala-nang-bentilador-ay-nanginginig-pa-rin-sa-ginaw na lamig. Dahil nilalamig ako ay naisipan kong magsulat at dahil wala akong maisip na maisulat na matino ay magra-rant na naman ako. Sabaw. Pero konting rants lang tapos magsusulat ako ng mga ikinatuwa kong bagay sa pagtatapos ng July. Wala na yata talaga akong maisulat na matino.

Sipon. Matapos ang ilang araw na puro ambon, ulan at maputik na tsinelas ay tinamaan ako ng isang matinding kalaban na itatago natin sa pangalang “Sipon”. Marpangsheyt. Magkaroon na ako ng napakataas na lagnat, atakihin na ako ng sobrang lupit na hika, huwag na huwag lang akong sisipunin. Bakit? Kasi nakakapikon eh. Sarap sampalin ng lente. Parang napakaraming bagay ang apektado kapag sinisipon ka. Medyo hihina ang pandinig mo, halos wala kang panlasa, nauubos ang mga puno sa kagubatan dahil gumagamit ka ng tissue, at mahirap tumambling. Bakit ba kasi ganun? Sana pwedeng ipareha ang pagtulo ng uhog sa orgasm para kahit papano naman eh enjoy magkasipon; sisinghot ako ng maraming beses tapos papakawalan ko lahat ng uhog ng isang bagsakan lang.

Kwintas. Noong Sabado ay nagpaulan ako sa Hidalgo sa Quiapo. Nagtingin ng mga gamit sa camera sa halos lahat ng tinadahan at nakakita na naman ako ng mga taong bumibili ng high-end DSLRs para gawing bling-bling. Nakaka-half-olats kasi mga magagandang girls yung iba; ang sarap pagyayakapin. Haha. Anyway, bibili na lang ako ng magandang point and shoot kaysa gawin ang ginagawa nila.

Lente. Siguro kung magkakaroon ako ng super-duper-rakenroling rant eh ito na iyon. Bakit ang mahal mahal mahal mahal mahal mahal mahal ng magandang lente? Pwedeng ang sagot doon eh dahil wala akong trabaho pero hindi pa rin. Mahal pa rin talaga. Kailangan ko na talagang magpabayad para sa pagkuha ng litrato. Sinong gusto ng bagong profile photo? Haha. Mabalik tayo, sobrang mahal ng lenses na kailangan ko, pinakamababa na ata yung 48K (?); pwede namang bumili ng ibang brand pero iba pa rin talaga kapag Nikon. Blah blah blah. Tutok sabay tira.

Ang dumi ko! Ang dumi dumi ko! Naisip ko lang, dahil uso yung planking, dapat may mga plankers din na nagpaplank sa mga lugar na medyo baha. Kasi diba, kung maglalakad ka sa baha eh madudumihan ka tapos posible ka pang magkasakit. Kung may tapong magpaplank sa isang bahang lugar, pwede kang sa kanya tumapak. Di ba? Haha. Enang planking yan. Parang nung Sabado lang, dahil sobrang putik sa Quiapo ay nagkaroon ako ng tsinelas sa putik ko. Hehe. Kung may mga nagpa-plank dun eh malamang malinis ako. Sabaw. Haha.

DotA. Matapos ang ilang buwan ng hindi paglalaro ay naglaro ulit ako. Ayun, hindi pa rin ako magaling, wala pa rin akong alam na gamiting hero bukod kay Rexxar at hindi pa rin ako marunong bumuo ng malulupit na gamit. Uhh, ano nga bang sasabihin ko tungkol dito? Wala lang, nag-enjoy lang ako maglaro kasama yung mga friends ko. Naks, friends. Haha. Dahil sa DotA yata kung bakit ako sinipon. Enang DotA yan.

Tambling. Tambling. Kain ng cake na may kare-kare at bagoong. Itlog na niluto sa butter na sunog. Palabok na inawan ng dalawang araw sa freezer. Gusto kong makabili ng malaking camera bag, yung kasya ang tatlong body na naka-grip, dalawang speedlight at tatlumpu’t anim na lente, pati lunch box.

Naisip ko lang, sa reward and punishment, di ba dapat binibigay either yung reward at punishment after nung task at hindi habang ginagawa yung task? Wala lang. Mai-blog nga yun minsan. Sabaw.

Written by weelan

August 1, 2011 at 5:37 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: