Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Baluktot na pangangatuwiran

leave a comment »

Isang tanong lang – ano bang gusto mong marinig yung totoo o yung maganda sa pandinig mo?

Salamat sa Google, nakapagluto ako ng adobong sitaw kagabi. Hindi ako sumabay sa pagkain nila dahil medyo naumay ako sa amoy nung ulam habang niluluto ko ito, pero sabi ni Mama masarap daw, naniwala naman ako kasi nanay ko siya. Anyway, nung kumain na ako, may ilang bagay akong napagtanto-slash-napatunayan. Una, masarap nga talaga. Pangalawa, posible pala talagang mangyari sa tunay na buhay yung mga eksena sa Cooking Master Boy. At pangatlo, matagal na panahon na ang nakalipas mula noong nagbitiw ako ng isang tunay na ngiti. Akalain mong dahil sa adobong sitaw lang lahat yan? Saya. Superb. Enjoy.

Kanina habang sinusundan ko ang isang magandang babae na naglalakad sa Greenbelt 5 eh naisip ko yung tanong ng propesor namin dati sa Sociology, “Agaw-buhay ang nanay mo sa ospital, kailangan mo ng malaking halaga ng pera, nagkaroon ka ng pagkakataong magnakaw, magnanakaw ka ba?” Hindi ko naman naisip yun dahil gusto kong nakawan ng cellphone…number yung babae kanina (shet, so high school), basta lang nag-pop sa utak ko. Magnanakaw ka nga ba? Kung tama ang pagkakatanda ko ay sumagot ako ng, ” Hindi.” tapos may kasunod na, “Kasi po…” na noong sinabi ko ay pinatigil na ako, wala naman daw kasamang bakit yung tanong niya. Kung itatanong ulit sa akin yun ngayon, sasagot ako ng, “Oo.”

Sa mga bilang na pagkakataon kailangan nating gumawa ng bagay na sobrang labas sa norms. Mga bagay na hindi maiintindihan ng napakaraming tao; mga bagay na maaaring maging sanhi ng pagkagalit ng ilan sa iyo; mga bagay na makakapagpatunay sa’yo na tao ka pa rin. Tipong pagpapaka-abnormal para maging normal. Bakit? Kasi maaaring yun na lang ang natatanging paraan para ibangon mo ang sarili mo. Gago na kung gago pero yun ang kailangan mo eh.

Ang problema nga lang, minsan, masyado tayong nag-iisip. Paano kung ganito? Paano kung ganyan? Pa’no na kaya, di sinasadya… Kaya mahirap pa ring gawin. Mas madalas na natatakot tayo sa mga magiging reaksyon ng tao, pero b’at ba? Katinuan ba nila yung nakasalalay? Hindi naman eh.

Isipin mo na lang na maiintindihan at rerespetuhin din nila ang naging desisyon mo 350,987,134 years from now. Ang mahalaga ay ang maayos na buhay para sa lahat. Ngayon, anong gusto mong marinig, yung totoo o yung maganda sa pandinig mo?

Written by weelan

October 20, 2011 at 9:45 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: