Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Short Film: Pangarap ka na lang ba?

leave a comment »

“Ako ay mataba. Pangalan ko? Andrew Dado at maniwala man kayo o hindi, (insert something na hindi kapani-paniwala, tulad ng girlfriend ko pa rin si Melissa Joy Tabernilla sa kabila ng lahat).”

Kung gagawa ako ng isang maiksing pelikula eh marahil iyan ang mga unang linya. Linya ha? Hindi naman kailangang eksena. Yun nga lang, sa hindi ko maipaliwanag na mga kadahilanan; kahit napakarami kong libreng oras, ay wala akong masimulan. Sabaw. Ayan tuloy, hindi ko mabitiw-bitiwan ang mga salitang iyan.

Dito pa lang, sinasabi ko nang magiging walang katuturan ang post na ‘to, kaya ayos lang kung babalik ka na sa ginagawa mo kanina bago mo pindutin ang link papunta sa blog na ‘to. Hehe. Anyway, mula noong, uhh, 2007 (?), naisip ko nang gusto kong makagawa ng isang short film. Yep, bago pa naging sobrang tutok ang atensyon ko sa pagkuha ng mga litrato eh mas naengganyo ako sa videos. Naalala ko dati na nakuha kong pagmukhaing isininga ang patak ng pinipig ice cream, saktong timing lang at pagkilos ng camera mula point A hanggang point B. Ngayon, wala na akong magawa. Ano nga ba talagang nangyari?

Kung utak lang din naman ang pag-uusapan, siguro naman kahit paano eh hindi ako mawawalan niyan. Gadgets? Hindi pa sapat, pero sa panahon ngayon, hindi naman kailangan ng sapat na gadgets para magawa kung anong gusto kong mangyari. Konsepto? Aba, ang dami ko niyan: mula sa ninja na tumatakbo sa talahiban hanggang sa lalaking naghahanap ng mapapasukan sa Quezon Ave. ng ala-una ng madaling araw. So ano nga ba talaga ang problema? Teka lang, pupupu muna ako.

Ayan, medyo naisip ko na kung anong problema. Parang ganito – simula pa lang kasi eh puro tae na ang iniisip ko; siguro, kaya hindi ko mailabas dahil nakakahiyang magtae sa harap ng, kahit papaano ay, maraming tao. O ha! Now, having that problem solved, comes another dilemma – ano nga ba talaga ang spelling ng dilemma? Hehe. Joke lang, malamang, ito iyon actually – ano nga ba talagang gusto kong maipakita sa, mga, pontential viewers ko? Gusto ko bang makita nila ang totoo o gusto ko bang makita nila kung anong gusto nilang makita? Sabaw di ba?

Ang saklap lang kasi hindi talaga ako makakilos dahil ako mismo yung naglilimita sa sarili ko. Ngayon ko lang naisip na noong mga nakaraang buwan eh napakatapang kong magpakita ng blank na piraso ng papel sa isang tao, na hindi ko maalala kung sino, at tinanong ko siya kung anong nakikita niya. Sabi niya, “Wala.” Sumagot naman akong, “I see (dead people) endless possibilities.” Di ba? Ang angas. Parang ang sarap sapakin. Siguro kung mababasa ‘to nung taong iyon eh sasapakin nga niya ako. Sakto oh, dahil hindi ko maalala kung sino yung taong iyon eh parang naglabas na din ako ng open invitation para sapakin ako. Hehe. Kung sinong mauuna, bibigyan ko ng 10-square inches ng bubble wrap. Haha.

Ayan. Para medyo matigil na ako sa walang kwentang pagra-rant na ‘to eh tatapusin ko na dito. Meron akong balak gawin, kaso hindi ko pa rin talaga magawang simulan dahil nasa utak ko pa lang; ayos na sa utak ko ah, execution na lang talaga. So anong point ng pagsasabi ko nito? Ganito yan, ikaw, oo ikaw, kung hindi ka tumigil sa pagbabasa kanina, ay may binibigyan ko ng, uhh, ano bang tawag dun? Karapatan? Kakayanan? Para i-pressure ako na gawin yung short digital film na nasa utak ko. Tipong pwede mong sabihin sakin na, “Hoy! Gusto ko nang makakita ng something awesome!” Hehe. Basta parang ganun. Parang ang dami kong pinapamigay? Kanina pagkakataong sapakin ako, tapos bubble wrap, ngayon naman karapatan para i-bully ako. Hehe. Olats. Sabaw. Cartwheel sabay kiss.

So yeah, hanggang dito na lang muna. Sa ngayon, ito muna: isang dangerously random na “cinematography” na ginawa ko habang binabato ng extremely dangerous wind speeds ni Pedring ang Zambales. Teka pala, naisip ko lang na kaya nakakatamad gawin yung gagawin ko eh dahil nakakatamad gumawa ng mag-isa. Anyway, ito na. Enjoy. Mwah mwah. Tsup tsup. Merry Christmas y’all!

I Hate You MOMOL Weather (09.27.11) Pa-click na lang kasi wala ako sa PC ngayon eh. Sawre.

Written by weelan

December 12, 2011 at 3:12 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: