Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Ato Ti Banjing

leave a comment »

Alam mo yung pagkakataon na napakarami mong dapat tapusin pero wala kang masimulan? Nakakainis di ba? Kaya ngayon, gusto kong yakaping mahigpit ang mga binti ko at magpagulong-gulong dito sa sahig na kinalalagyan ko. Pero gusto ko ring magsulat at maglabas ng kung anu-anong kaisipan na ilang linggo ko na ring naiisip; mas pipiliin kong gawin itong nahuli. Tara, magpa-banjing-banjing tayo.

Ilang linggo na akong tumatakbo, well medyo tumatakbo, at no’ng nakaraang linggo ay napansin kong lumuluwag na ang mga damit ko. Noong nakaraang linggo din ay naglaba ako ng mga damit ko dahil wala na akong masusuot na t-shirt at shorts, at medyas, at brief, at kung ano pa para sa mga susunod kong takbo; nalaman ko kung bakit lumuluwag ang mga damit ko – napakalupit palang umikot ng washing machine namin. Ayun. As of press time nakatakbo na ako ng 57.83km, nag-burn na ako ng 5437 calories, at 11 hours 8 minutes na yung accumulated time ng aking pagtakbo; hindi pa rin ako pumapayat, hindi pa rin ako “healthy”, but I pray that I’m getting there.

Noong Sunday ay tumakbo kami ng girlfriend ko ng 10km sa Condura Skyway Marathon; first run ko yun, siya pang, uhh, basta maraming beses na siyang tumakbo. Hehe. Ayos naman, masaya. Isa sa mga pinakamasayang karanasan sa buhay ko ngayong taon. Hehe. Kinaya ko namang tumakbo ng 10km kahit na mabagal yung start ko at 4th kilometer na ako talagang tumakbo. Nakatapos ako ng isa’t kalahating oras. Puwede na, considering na unang beses kong tumakbo. After nung run, hinahanap namin kung saan makukuha yung medal at free na saging at sports drink. Sa hindi ko maisip na kadahilanan eh parang naiwan ko yata yung utak ko sa Skyway. Bakit? Ganito kasi iyan. Umiikot kami dun sa site tapos nakita ni Melissa yung tent na pagkukunan nung stuff, sabi niya, “Ayun! Doon yung medals.” Hindi ako nagsasalita kasi tinitignan ko yung mga tao sa paligid, so sumunod lang ako sa kanya. Tapos nun, lumibot pa kami para sa saging. Nakita niya yung tent sabay sabing, “Ayun beb, ‘BANANA/100 PLUS'” Ako naman ‘tong si abnormal, nagulat at sinabing, “Ang mahal naman ng saging! 100 plus?!” Pagkatapos kong sabihin iyon eh na-realize kong 100 PLUS pala yung pangalan nung sports drink. Sabaw. Nagtawanan kaming dalawa dahil sa kaabnormalan ko, lagi namang ganun eh. Hehe.

Bumili kami ng Shih Tzu, Kitty yung pangalan. Kitty Mae Furry Tabernilla-Dado. Saan ka pa? Hehe. Wala lang, nakakatuwa lang. Puwede ko nang sagutin yung mga taong magtatanong sa akin ng, “Nagkatuta na kayo?” ng, “Oo!” Hehe. Tapos kahapon, nasa Cartimar kami sa Pasay para bumili ng mga gamit ni Kitty, tapos nagtitingin din ako ng Bulldog, siyempre hindi naman pwede na palaging Shih Tzu yung kasama kong aso di ba? Pa’no na lang ang pagiging tunay na lalaki ko? Hehe. Anyway, ayun, may nakita ako. Ampogi. Hehe. Nalaman ko lang din kahapon na magkaiba pala yung English Bulldog at American Bulldog. Hehe. Kung iniisip niyo kung bakit gusto ko ng Bulldog, ito ang sagot ko – bukod sa saktong aso para sa akin yun dahil hindi naman ako masyadong gumagalaw din eh may pagkakataon na akong ma-realize ang dream ko na magkaroon ng crossbreed ng Bulldog at Shih Tzu na ang tawag ay Bull…

Last na, kanina, bago ako magsimulang magsulat at ang dami ko pang dapat gawin, natanong ko sa sarili ko ang tanong na ito, “Dati napaka-confident kong mag-English. Bakit kaya ngayon hindi na?” Tapos nakaisip ako ng random na sagot. Sa dinami-dami ng taong nagkakamali sa salitang Ingles ay napakarami na ring self-proclaimed grammar police. Haha. Hindi naman sa naiinis ako sa kanila, namumulis din naman ako ng grammar ng ibang tao; saka ang tagal ko ding nagpadugo ng papel ng ilan sa mga staff ng Blue and Silver noong kasali pa ako doon. So anong problema ko sa grammar police? Wala pala. Hindi pala iyon ang point ko, ganito pala yung tanong ko, “Bakit dati ang confident kong mag-English ng mali tapos ngayon hindi na?” Ayun pala dapat. Yung tipong sasadyain kong gawing mali yung construction ng sentence ko. Parang, “A clean cameras is a happy cameras.” Ganun pala. Hehe. Naisip ko lang kung ga’no ka-imba mag-isip ang ibang mga tao ngayon at hindi sila nakakakuha ng bobo-bobohan na mga pangungusap. Uhm, ang labo ko na ba? Parang ganito, ang daming taong nagmamarunong at ang galing mag-correct ng ibang tao na “mali” tapos sasabihan na nila yung taong “mali” na BOBO. Oo, as in all caps pa. Sabi nga ni Y U NO guy, “COMMON SENSE, Y U NO SO COMMON?” Nakakatawa pa kasi yung mga simpleng subject-verb agreement eh nakakalampas sa mga taong iyon pero kapag bibigyan mo sila ng straight-up-wit-slash-sarcasm-na-kitang-kita-namang-nagtitrip-ka-lang eh magtatayo sila ng maximum security prison sa paligid nito. Grabe. As in, like, duh? Hello? Is it me your looking for? (Parang ganyan, may bobong magre-react diyan, sasabihin, “It’s YOU’RE not YOUR…insert mahabang pagpapaliwanag dito para lang mabasag ka lalo”) Ngayon at nasabi ko na iyon, masasabi ko na ring hindi naman pala nawala ang confidence ko sa pagsasalita ng English, nawala lang yung gana kong maglabas ng witty stuff dahil mababaw na ang pananaw sa buhay ng napakaraming mga tao. Sabaw.

Anyway, hanggang dito na lang muna, matutulog na lang ako ulit. Palo na naman ako nito kay Melissa kapag nagkita kami. Hehe. God bless y’all! Enjoy your day people! Smile!🙂

P.S. Hindi masarap yung hotdog ni Aljur.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: