Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Wititit Bumblebee.

leave a comment »

Yesterday once more pa akez thinking ng witty tweety, but wit akez ma-dig sa brainacles kez, kahit very light variables lang. Difficulty pa nitey, na-thinking pa ni akech na bumlagag, ahay! Kembot!

Nyeta! Anyway, by the way, all the way I’ll cut the crap. Haha!

Dalawang araw na yata akong hindi makapag-isip ng maayos, uhm, tipong wala akong ma-construct sa utak ko na maayos na pwedeng sabihin na may sense. Lahat na lang ng naiisip ko ay may kinalaman sa, uhm, actually wala. Haha! Hindi ko maipaliwanag pero parang nagbakasyon yata ang utak ko. Olats.

So ngayon, anong ka-randoman na naman kaya ang sasabihin ko? Sana hindi naman masyadong random. Bakit? Kasi ang post na ito ay pangatlo na (yata) na ginawa ko mula noong isang linggo. Anong issue? Yung naunang dalawa ay hindi ko na-publish dahil sa karandoman nila – tinapos kong isulat hanggang dulo, noong binasa ko ng buo, naisipan kong itapon na lang. Haha! Saya!

Nitong mga nakaraang linggo, may mga pagkakataon na magtu-tweet ako at kapag nai-type ko na yung gusto kong sabihin, napapaisip akong kung dapat ko bang i-post o hindi. Naiisip ko kung bakit kailangan kong i-post yun, wala namang interes ang ibang tao doon at isa pa wala namang maitutulong sa mga buhay nila kapag nabasa nila iyon galing sa akin. Kung tutuusin ang pagsusulat ko dito sa blog na ito ay parang ganun din. Haha! Sana lang mas may sense yung mga nasasabi ko dito. Sabaw. Anyway, naisip ko kung pwede kaya na turuan ang sarili na mag-filter ng mga sinasabi, iniisip, at ginagawa? Mas maganda siguro kung lahat ng iisipin mo, gayundin sa mga sasabihin at gagawin mo, ay makabuluhan at may maitutulong sa pag-unlad ng sangkatauhan. Lalim. Haha! At dahil nabanggit ko iyon, pwede din kayang yung mga nababasa at naririnig natin ay ma-filter din? Tipong ang papasok lang sa iyo ay yung mga bagay na makabuluhan, mga bagay na magtuturo sa iyo kung paano ka mabubuhay ng maayos, at hindi mga bagay na tulad ng kanta ni Justin Bieber. Ang saya siguro kung ganoon ‘no? Ayun nga lang, baka pag nangyari iyon ay lalong mawawalan ng common sense ang mga tao. Sabaw.

Pop-up, sorry. Ang bango ng Lipton Clear Green Tea, wala lang. Anyway, tingin niyo mas magiging maayos ang buhay kung magiging ganoon ang mga tao sa sinasabi ko? Mas madali siguro lahat ng bagay, mas may kabuluhan. Mas magiging maunlad ang buhay ng bawat isa. Kaya lang, gaya ng pagiging magkamukha namin ni Gerald Anderson, HINDI PWEDE. Plus, walang bagay sa buhay ang madali, lahat mahirap; ultimo pagpapatulog ng sarili ay nakakapagod. Haha! Sige na nga, ayos na yung ganito – sa ganitong paraan, nahahasa ang mga utak natin, natututunan nating malaman kung alin ang tama at kung alin ang mali. Kung kaninong mga bibig ang nakakatuwang pakinggan at kung kaninong mga utak ang masarap ibabad sa kumukulong Zonrox.

Alam niyo, nakakatuwa (ang sarap ng tsaa) yung mga taong hindi makabitaw sa mga nakaraang pagkakamali ng ibang mga nilalang. Bakit? Hindi ko maipaliwanag ng maayos pero parang may mga pagkakataon na sinasabi nilang wala na sa kanila iyon, napatawad na nila yung mga may sala, at kung ano pa; pero kapag nagkaungkatan, daig pa nilang maghukay yung mga archaeologist na naghahanap ng cross-breed ng tao at T-Rex. Haha! Tapos minsan, sila pa yung may ganang magsabi na ipagdarasal na lang nila yung iba pang concerned whereas sila mismo yung kailangan ipagpanalangin. Hindi ko alam kung maaari itong tawaging pagkaipokrito, pero siguro malapit na ito doon. Blah blah blah. Stuff, stuff.

Hindi ko alam kung nabanggit ko na ito sa iba kong post pero may isang beses na magkasama kami ni Shierwin at may narinig kaming nag-uusap tungkol sa Amazing Spider-Man. Sabi nung isa, “Maganda kaya yung Spider-Man? Parang gusto kong panoorin…” Sagot naman nung isa, “Remake nga lang eh, so pinalitan lang yung actors tapos ganoon lang din yung storya…” Nung narinig ko iyon ay gusto kong isilid sa plastic bag ang ulo ko, nagtanong ako kay Shie, “Tol, bakit may mga taong bobo?” Sumagot siya, “Kasi may mga taong matatalino.” “Eh bakit may mga taong tanga?” “Kasi may mga taong, uhm, hindi tanga…” Naisip ko, ayos lang maging bobo minsan eh, mapag-aaralan mo naman ang mga bagay na dapat mong malaman. Mas mahirap maging tanga, mas mahirap magkaroon ng karunungan kumpara sa talino. Pero ang pinakamahirap sa lahat ay yung pagmamarunong. Sabaw. Siguro kung nakakundisyon yung utak ko na patayin yung mga taong nagmamarunong, hindi na siguro mabibilang sa mga daliri ang napatay ko; hindi na rin siguro mabibilang kung ilang suicide attempts ang ginawa ko. Haha! (Hindi ko alam kung may kinalaman ang mga susunod na senctenc sa paragraph na ito pero sasabihin ko pa rin dahil gusto ko lang.) Sabi nga ng bago kong cyber crush na si Rheen-rheen, na nang-friendzone kay Angeloh, sa isa niyang tweet, “Being funny is easier than being serious because if I’m gonna sound like an idiot I’d prefer it to be on purpose.”

So yeah, hanggang dito na lang muna dahil tapos na yung ine-export ko photos. Blah blah. Share ko lang, isang taon na yata akong nagshu-shoot na RAW yung format, 20MB isang photo. Nakakamiss maging trigger happy, kahit hindi naman ako naging ganun ever. Hehe. Babalik na lang ako sa jpeg. So ayun nga, ay teka lang pala (sorry napahaba pa), naglalaway ako sa Nikon D4, ang lupit kasi nung, uhm, ano bang tawag dito? Basta ang lupit nito – . Though hindi naman ako bibili nito, nakakatuwa lang. So yeah. Yung next kong blog, naks! Preview? Yung sunod kong blog ay tungkol (sana) sa pamumuhay ng ayon sa pangangailangan, problema ko lang ay kung paano ko isusulat iyon nang walang umiilaw na neon lights sa ulo ko na nagsaabing, “Hypocrite.” Hehe. So yeah. Hanggang sa muli! Paalam. *ismayl* Let’s all be Space Jam!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: