Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Tao.

leave a comment »

Kagabi habang umuulan ng malakas ay kasama ko ang aking kapitbahay at kaibigan na si Shierwin sa Mall of Asia, at dahil nga malakas ang ulan ay pahirapan umuwi. May isang taxi kaming pinara, nagtanong ang driver kung saan kami pupunta (SOP iyan kapag maulan, Friday, at maulan na Friday), “Palanan, sa may Cash and Carrry.” sagot namin. Sinabi niya mataas na ang baha sa Palanan sabay banat ng, “P300, magagawan natin ng paraan.” At mula diyan ay sisimulan ko ang blog na ito.

Ito ay tungkol sa mga tao: mga taong nakakatuwa; mga taong nakakapikon; mga taong, uhm, basta sila.

Mga Taxi Driver. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila, sa totoo lang. Parang iyong driver kanina na magagawan daw ng paraan ang pagkakaroon ng baha sa baranggay namin sa halagang 300. Naisip ko lang, magagawa niya kayang turuan ng proper waste disposal ang mga nakatira sa Maynila para maiwasan ang pagbabaha? Sa halagang 300? Magiging amphibian ba yung taxi niya sakaling pumayag kaming magbayad sa kanya ng 300? Naalala ko no’ng minsang magkasama kami ni Melissa sa Greenbelt a few weeks back, na-formulate namin na para makakuha ng isang taxi sa isang “busy” na gabi ay dapat kausapin mo ang driver nang may foreign accent. Tipong magno-nosebleed ang driver sa accent mo kahit Tagalog lang ang pakikipag-usap mo, “Menewng, sa Aphazibleh lewng pew.” Sasagot siya ng, “Plus P50.” Sabay sakay na kayo. Minsan naman kasi, ayos lang magpadagdag ng bayad yung driver, basta lang makikiusap siya ng maayos, tipong ipapaintindi niya sa pasahero na matindi talaga ang traffic. Hindi yung bigla na lang mananaga. Minsan nga gusto ko na lang sabihing, “Boss, *insert destination here* P500.” para lang wala nang paliwanagan. Ako na tataga sa kanila, tignan ko lang kung papalag pa sila.

Mga Barker/Taong Mamimilit Na Tumawag Ng Taxi Para Sakyan Mo. Mas madalas silang nakakaperwisyo kaysa nakakatulong. Hindi naman sa talagang kinaiinisan ko sila o ano, pero minsan parang ang sarap nilang tampalin na lang ng limang pisong tigbe-bente singko para lang iwan na nila ako. Ang masaklap pa dito, kapag may napara na silang taxi para sa’yo, hihingi sila ng, “pang-merienda,” hindi lang sa’yo kundi pati sa driver. Oo, persistent sila. Oo, maparaan sila. Sabihin na rin nating “masipag” sila, pero sa maling paraan.

Kapag nakakakita o nakakasalamuha ko ang mga ganitong tao, naiisip ko kung bakit ang ibang Pilipino ay halos isuka ang kanilang pagiging Pilipino – dahil ayaw nilang ma-associate sa mga taong katulad ng mga nabanggit. Kung maaari lang sana na kapag nasabing Pinoy eh ang unang papasok sa utak ng mga banyaga ay masiyahin, o kaya matulungin, o kaya hospitable, o kaya kahit ano mang adjective na maganda.

Misnan kasi talagang pera-pera lang. Minsan kasi hindi na talaga natin alam ang salitang “disiplina.” Minsan din, kung sino pa ang dapat nagpapatupad sa batas ay siya ring mga taong lumalabag dito.

Bago pa bumigat, lumalim, at palabasin ng usapan ang inis ko sa mga taong nasa gobyerno na walang tinutulong sa pag-unlad ng bansa *hinga* ay pag-usapan naman natin yung mga taong kahit papaano ay nakakatuwa.

Si Forever Crush. Sana hindi lang ako ang may ganito. Haha! Wala lang, alam mo yung taong na-crush-an mo noon pa at kahit ngayon ay may asawa’t anak na siya ay crush mo pa rin siya? Hindi mo naman siya pinagnanasahan, ni hindi mo rin siya pinanghihinayangan; wala lang, crush mo lang talaga siya. Tipong kapag nakakakita ka ng “Your Crush posted 784 new photos on the album ‘Remember me? Crush mo me dati.'” sa Facebook eh iisa-isahin mo bawat picture, kulang na lang eh i-download mo lahat. Haha! Wala lang. Basta lang. Crush lang. Isa lang ang naiisip ko, may kakayanan kaya si Forever Crush na tumagal hanggang, uhm, 50 na ako? Well, I still have 25 years to find out. Haha!

Si Forever Nakakatawa. Kaninang magakasama kami ni Shie eh may bigla siyang nabanggit na ka-batch namin na medyo may “kapansanan” noon na wala na ngayon. Sabay bigla siyang tumawa nang tumawa. Dahil tinatawanan niya yung tao ng sobra, sinabihan ko siya ng, “Parang hindi Psych ang minajor mo nung college kung makatawa ka ah?” Tumigil siya saglit, akala ko napaisip siya sa sinabi ko, iyon pala ay inisip niya lang lalo yung tao at tumawa lalo. Hindi naman sa pagiging salbahe pero nakakatawa nga naman talaga; tumawa na rin ako. Haha! Sorry. Basta. May mga tao lang talaga na kahit hindi naman dapat pagtawanan o wala namang ginagawang nakakatawa ay sadyang nakakatawa. Haha!

Ilan lang sila sa mga taong naiisip ko ngayon. Siyempre andiyan pa rin sila Forever Bestfriend, Forever Love, Forever Masarap Sabihan ng, “Fcuk you ng ina mo!”, at marami pang iba.

Tao. May mga kanya-kanya tayong dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho, kung bakit tayo nagiging masaya, nalulungkot, kung bakit natin ginagawa ang mga ginagawa natin. Lahat tayo ay may pinagdadaanan. Sana lang, sa araw-araw nating pamumuhay ay gawin nating makabuluhan, hindi lamang ang mga sarili nating buhay, pati na rin ang mga buhay ng mga nakakasalamuha natin. Hindi naman mahirap mabuhay ng tapat eh, imposible ang mabuhay ng tapat; pero sana, sa abot ng ating makakaya ay gawin natin ito.

Kung magiging masaya tayo, ipaabot natin ang ating kasiyahan sa iba. Kung pagpapalain tayo, ipamahagi natin ang pagpapala natin sa mga nangangailangan. Kung tinulungan tayo ng mga may kakayanang tumulong, pagdating ng panahon na tayo ay may kakayanan na ding makatulong ay magbigay din tayo ng tulong. Ipanalangin natin ang mga taong nakasakit sa atin, mga taong nakasakit sa iba. Ipadama natin sa mga taong may galit ang pagmamahal na kailangan nila.

Kung tutuusin madali lang mabuhay, tayo lang din ang nagpapagulo, ang nagpapahirap. Tao, lagi mong tatandaan, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Hawak ka ng Diyos, at kahit sabihin mong ikaw ang pinakagago sa lahat, mahal ka pa rin Niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: