Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig.

leave a comment »

Ang pag-ibig daw ay matiyaga at magandang-loob. Hindi din daw ito mainggitin, mayabang, makasarili, o mapagtanim sa kapwa. Ang pag-ibig daw ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas. Pero minsan, sadyang hindi mo maiiwasang itanong – hanggang kailan?

Ang talatang iyan ay bahagi ng sinabi ni Pablo sa mga Taga-Corinto, medyo nakalimot na ako sa Sunday school lessons na narinig ko kaya napaisip ako – ano ba ang tinutukoy niyang pag-ibig? Ito ba yung pag-ibig na binibigay ng tao sa kapwa niya? Ito ba yung pag-ibig na nararamdaman ng tao tungo sa mga mahal niya sa buhay? O tinutukoy ba niya ang Diyos, dahil ang Diyos ay pag-ibig?

Naalala ko noong isang taon na tinuruan ako ng Diyos kung paano magpakumbaba. Tinanong ko din noon sa sarili ko kung hanggang kailan ba dapat magpakumbaba ang isang tao. Kung hanggang saan ang hangganan, at kung kailan mo dapat sabihing, “Tama na. Sobra na akong natatapakan.” Sinagot ako ng Diyos sa paraang hindi ko inaasahan. Pinadama niya sa akin kung gaano ako kaliit sa mundo. Pinaalam niya sa akin na kung magpapakataas ako ay mas lalo ko lang ibabagsak ang sarili ko. Isang karanasan na hindi ko malilimutan at ilalakip sa aking puso hangga’t ako’y nabubuhay. Pero paano nga kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan?

Ngayong araw, limang taon na kaming in a relationship ni Melissa. Limang taon ng tila walang katapusang tuwa, saya, iyak, tawa, pasasalamat, pag-iintindihan, mga pagpapala at kung ano pa. Don’t get me wrong, wala kaming problema, at lalong wala kaming balak maghiwalay. Hehe. May mga bagay lang akong gustong sabihin.

Nung niligawan niya ako, at sinagot ko naman siya. Parehas naming nasabi na ang pagsasamang ito ay binigay sa amin ng Diyos at siya lang din ang maaaring kumuha nito mula sa amin. Parang kasal lang. Hehe. Pero totoo. Ngayon, halos kalahating dekada na kami at patuloy pa ring sinasamahan ng Diyos sa bawat landas na tinatahak namin. Hindi ko naman sinasabing mga bihasa na kami pagdating sa pag-iibigan, sinasabi ko lang na sa lahat ng nangyayari sa amin, mabuti man o hindi, ay kasama namin ang Panginoon.

Ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay happy happy lang. Siyempre kasama sa isang relationship ang mga pagsubok at may mga pagkakataon din na talagang sinagad ang bawat isa sa amin. MGA pagkakataon, hindi lang minsan, pero hindi naman madalas. At bawat isa sa mga iyon ay masasabi kong mas nagpatibay sa amin bilang magkasintahan, bilang magkaibigan, at lalo na, bilang mga mananampalataya.

Bago maging kwentong mag-jowa namin ang post na ito, balik tayo sa tanong ko kanina. Hanggang kailan all-that-stuff ang pag-ibig? Nitong Pebrero lang, may nakapagsabi sa akin, at sa 30 plus pang tao, na ang pagmamahal daw, kung gagawin mong mag-isa ay siguradong papalya ka. Dapat daw nagmamahal ka kasama ang Diyos. Babalik din tayo doon sa pagpapakumbaba stuff. Noong mga panahong iyon ay nagtanong ako sa isang pastor, ang sinagot niya sa akin ay ito – dapat akong maging humble hindi depende sa standards ng mundo, kundi sa standards ng Panginoon. Ang sagot niyang ito ay pwede ding gamiting sagot sa tanong ko.

Ang pag-ibig ay tunay na matiyaga at magandang-loob. Sadyang hindi ito mainggitin, mayabang, makasarili, o mapagtanim sa kapwa. Ang pag-ibig ay talagang mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas. Huwag tayong umibig gamit ang sarili lang nating kakayanan, umibig tayong gamit ang pagmamahal na ibinigay sa atin ng DIyos. Hindi masaya ang isang relationship kung pipilitin natin itong maging successful using our own strengths and efforts; nakakapagod, nakakaubos ng pasensiya, nakakadurog ng bait. Hindi ko din naman sinasabing maging single  na lang lahat ng tao, mas hindi masaya yun. Hehe. Basta ganun, ang gulo na ba? Haha! Lagi nating tatandaan ang mga pangako ng Diyos sa atin; lalo na ang pangako ng kanyang walang hanggang pag-ibig para sa atin, pag-ibig na dapat nating tularan at ipamahagi din sa iba. *pure-unadulterated-walang-tutumbas-sa-sobrang-sayang smile*


Melissa Joy, salamat sa lahat. Hindi pa tayo dito matatapos, sigurado akong napakarami pang mga mangyayari. Nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon ay nakukuha mo pa akong tiyagain. Haha. Masyadong magiging cheesy ang post na ito kung sasabihin ko lahat ng pasasalamat ko, pero gusto kong malaman mo na sooooobrang thankful ako na binigyan ako ng pagkakataon ng Diyos na mahalin ka, na maligawan at makasagot ng isang katulad mo. Hehe. Higit sa lahat nagpapasalamat ako sa Diyos dahil tinuturuan niya tayong magmahal ng tulad sa pagmamahal na binibigay niya. Kapit lang, onting push pa. Hehe. Mag-iingat ka palagi ah? Happy anniVersary! Mahal kita, mahal na mahal. To infinity and beyond!🙂

PS. Js, size 9. Limang drum ng high octane gasoline. Yung clothes, saka na kapag pumayat na ako.

Written by weelan

April 18, 2015 at 10:06 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: