Kagalaan.

Mga kaisipan mula sa naglilikot na utak

Posts Tagged ‘badtrip

Hipon.

leave a comment »

Katatapos ko lang mag-dinner. Hipon yung ulam. Hindi ko alam kung anong problema ko pero nilintikan ko yung ulam. Sampung malalaking hipon. Sampung matatabang hipon. Ayun. Nihahayblad ata ako ngayon. Nice. Dati ang alam ko tatlo lang yung limit ko kapag ganun kalalaki eh. Kasi pagkatapos nung pangatlo eh nahihilo na ako. Yun. Rakenrol na record dahil lampas 200% yung increase sa consumption. Nyaha. Sabaw.

Uminom din kaya ako ng limang mug ng kape? Ano kayang mangyayari sa akin. Hmm. Sabaw. Suicide ba tawag dun kapag ginawa ko yun? Anyway, hindi naman siguro ako mamamatay. Hehe. Susubukan ko na lang. Ingat y’all!

Written by weelan

July 3, 2010 at 9:05 pm

Posted in Uncategorized

Tagged with , ,

Naghahanap lang ng madudumihan

leave a comment »

Nagkaroon ka na ba ng karanasan na katulad nito – masakit ang tiyan mo at gusto mong ilabas ang mga laman nito, kaso lang may tao na gumagamit ng kubeta. Nakakaasar ‘di ba? Nakakapandilim ng paningin at nakakapang-init ng ulo. Buti na lang hindi ako natatae ngayon. Badtrip nga lang dahil nagtatae ang utak ko at naghahanap ako ng lugar kung saan ko maaaring ilabas lahat ng laman nito. Read the rest of this entry »

Written by weelan

December 16, 2008 at 10:12 am

Posted in Randomness

Tagged with , ,